Skip to main content

small business ideas

Mabentang Small Business Ideas Para sa Naghahanap ng Extra Income

Daig ng madiskarte ang masipag. Para magkaroon ng extra income, importante ang sipag at tiyaga pero balewala ito kung wala kang tamang diskarte sa pagpili ng bagay na raket o negosyo para sa 'yo.
Kung plano mong dagdagan ang kita mo ngayong taon, simulan ito sa maingat na paghahanap at pagkilatis ng iba't-ibang business ideas na maaari mong subukan. Siyempre, ayaw mong mamuhunan ng pera at pagod para lang malugi sa huli.
Pwede mong pagkaperahan ang hobby o talento mo. Kung hilig mong magluto, try mo mag-food business. Kung mahilig ka sa fashion, pwede kang magbenta ng mga damit o accessories.
Para sa mga naghahanap ng bagong raket ngayong taon, eto ang walong small business ideas na pwede ninyong subukan.

Online selling

Hindi mo na kailangang gumastos nang malaki para makapagtayo ng isang online business. Computer, internet, at product suppliers lang ang puhunan mo bilang isang online seller. Need mo rin ng easy and affordable payment options gaya ng Palawan Express Pera Padala kung saan pwedeng magpadala ng bayad ang customers na walang bank account o ayaw ma-hassle sa pagpila sa bangko.
At siyempre, dapat mahusay ka ring magpatakbo ng small business mo.
Hindi rin mahirap makakuha ng customers kapag nagbenta ka ng mga produkto mo sa Facebook at Instagram. Lalo na kung interesting ang products mo, dadagsain ka ng mga messages gaya ng "How much?" "Wala bang discount?" "May color red kayo nito?" at marami pang iba.

Blogging

Yes, hindi lang libangan o pampalipas-oras ang blogging. Pwede mo rin itong pagkakitaan through ad displays, sponsored posts, at affiliate marketing. Kung may online business ka, pwede mo ring i-promote sa blog mo ang mga produkto mo.
Pero bago ka makapagsimulang kumita ng extra income sa iyong blog, kailangan mo muna ng computer, internet, at domain name para sa blog mo.
Piliin mo rin kung ano ang mga ibabahagi mo sa iyong blog na sa tingin mo ay magiging interesting at makakatulong sa mga makakabasa nito. Halimbawa, kung stay-at-home mom ka, pwede kang maging mommy blogger na nagshe-share ng tips at experience bilang isang ina. Kung mahilig ka naman mag-travel o kumain, magandang ideya 'yung mag-post ka ng mga video o kwento tungkol sa mga lugar na napuntahan mo na.

Magtayo ng sari-sari store

Kung may sapat kang ipon at tingin mo ay kayang-kaya mong magpatakbo ng munting tindahan, mabentang negosyo ang sari-sari store lalo na kung itatayo mo ito sa lugar na matao. Pwede kang kumita kada araw ng Php 3,000 hanggang Php 20,000 basta madiskarte at determinado ka, gaya ng isang ginang na sari-sari store owner na kalaunan ay nakapagpatayo ng isang mas malaking grocery store at naging milyonarya.
Speaking of diskarte, may mga paraan para dagdagan ang panggastos sa pagpapaktakbo ng iyong sari-sari store. Halimbawa, kung loyal customer ka ng Palawan Pawnshop, sulitin mo ang transactions mo with discounts and rebates you can get from a Suki card.

Rumaket bilang virtual assistant

Malaki ang demand ngayon sa mga Pinoy virtual assistants, lalo na mula sa U.S. at Australia na mga kliyente. Maaasahan, masipag, loyal, at mahusay tayo sa English, kaya dumarami ang nagha-hire ng mga virtual assistants sa Pilipinas.
Isa sa mga perfect na business ideas for you ang pagiging virtual assistant kung gusto mong extra income nang hindi lumalabas ng bahay at kapiling ang iyong pamilya. Mga nasa $3-$5 ang tipikal na kinikita ng isang Pinoy virtual assistant kada oras (o Php 20,000 hanggang Php 40,000 kada buwan).

Food business

Patok na negosyo ang pagkain dahil mabenta sa mga Pinoy at mura pa ang puhunan. Kung mahilig ka ring kumain at magluto o bake, maraming food business ideas ang pwedeng subukan: catering, cake, at desserts para sa mga okasyon gaya ng kasal, birthday, binyag, at Christmas parties. Kung simple lang ang gusto mo, pwede ka magsimula sa pagbebenta ng packed meals o ‘di kaya'y magtayo ng ihawan o burger stand sa labas ng bahay mo.
Kapag unti-unti nang kumikita ang food business mo, palaguin mo ito. Sumali ka sa mga food bazaar o food expo—bukod sa mababang puhunan pero malaki-laking kita, mas mapaparami mo pa ang customers at network mo.

Maging financial advisor o insurance agent

Kung mahusay ka sa usaping pinansyal, may future ka bilang isang part-time o full-time financial advisor. Makikipag-usap ka sa iba't-ibang posibleng kliyente na interesadong bumili ng insurance o mag-invest ng pera nila sa stocks. Tutulungan mo silang pumili ng tamang produkto ayon sa needs nila. Kikita ka ng extra income mula sa mga commissions sa mga nabebenta mong financial products.
Para simulan ang iyong business bilang financial advisor, mag-aapply ka sa isang insurance company na bibigyan ka ng libreng trainings. Kailangan mo ring ipasa ang exam at iba pang requirements bago ka maging lisensyadong financial advisor.

Photo booth business

Ang mga Pinoy, basta may makitang camera, pose agad! Mahilig tayong magpa-picture bilang souvenir. Kaya nga mahahaba ang pila sa mga photo booth sa mga event gaya ng kasal at binyag. Kaya patok ang mga photo booth business ngayon.
Magandang extra income opportunity ito for you kung may photo editing skills ka at may mga kakilala kang event planners o organizers na magdadala ng clients sa 'yo. Kailangan mo rin ng DSLR camera, laptop, printer, at props.

Maging authorized agent ng Palawan Express Pera Padala

Kung meron ka nang negosyo gaya ng internet shop, grocery, o pharmacy at naghahanap ka ng  extra income for your business, pwede kang mag-apply bilang Palawan Express Pera Padala authorized agent. Bukod sa dagdag kita, dadami rin ang loyal customers mo dahil partner mo ang pawnshop na pinagkakatiwalaan ng bayan for over 30 years.
Anumang negosyong papasukin mo, magtatagumpay ka basta may diskarte, sipag, at tiyaga ka. Buti na lang, madali nang magka-business ngayon dahil sa internet at social media. Hindi mo kailangan ng malaking capital para magpatakbo ng successful na negosyo.


Credit to owner

Comments

Popular posts from this blog

Bakit May Bumabagsak Na Negosyo?

Bakit May Bumabagsak Na Negosyo? Ang pagtatayo ng nenegosyo ang isang paraan para umunlad tayo sa buhay, halos lahat ng mga mayayaman sa mundo kung papansinin natin ay may kanya kanyang mga negosyo. Sobrang bihira ang yumaman dahil sa trabaho. Kung meron mang yumaman sa trabaho lang, siguradong buong buhay nya at oras ay binigay na nya dito. Yung tipong wala ng oras sa kanyang pamilya dahil puro trabaho na lang ang inatupag. Kung susumahin natin, yayaman at aasenso talaga tayo sa pag nenegosyo. Halos lahat naman tayo alam yan, pero hindi lang talaga lahat may lakas ng loob para mag tayo ng negosyo. Napakaraming tao ang may takot mamuhunan, dahil ang kanilang kinatatakutan ay baka malugi ang kanilang negosyo. At sa totoo lang..napakarami talaga ang nalulugi sa negosyo at nagsasara; pero dapat kapag nangyayari ito ang laging itanong sa sarili ay BAKIT nagsara at nalugi ang negosyo? Ating alamin kung bakit at anong mga pangunahing dahilan bakit nagsasara ang mga negosyo na ...

Convenience stores in the Philippines

 Convenience stores in the Philippines When time and situation forbid and you’re in desperate need of something to consume or use, you can always rely to convenience stores; they are clean, accessible, and open 24-hours a day, plus the security guards and CCTV cameras for your dear safety. So yeah, that is why they are called “convenience stores.” 7-ELEVEN   With over 30 years of retail innovation, our core values remain unchanged On October 26, 1982, Philippine Seven Corp. (PSC) acquired the license agreement to use the 7-Eleven Convenience Store system in the Philippines,  with the chief mission to introduce an entirely new retailing concept to the Filipino consumers: operating a chain of 24-hours convenience stores. During this rough time for the economy and political climate in the country, PSC initiated the 7-Eleven project and opened its first store at the corner of EDSA and Kamias Road in Quezon City in 1984. Amidst the challenges of introducin...

Mga dapat tandaan sa pagnenegosyo

neGOsyo : Mga dapat isalang-alang sa pagtatayo ng negosyo Ang pagpaplano ng isang negosyo ay ang pagiisip at pagsasagawa ng mga dapat gawin, simulan at pagbutihin ang kakayanan na kumita sa hinaharap.Ayon sa mga istatistika, t anging 8 out of 100 mga tao at bumuo ng kanilang mga kasanayan sa pagnenegosyo. Bago mo simulan ang negosyo na gustuhin itayo kailangan munang magplano. Tandaan ang mahusay na pagpaplano ay makakatulong sa tagumpay ng isang negosyo . Ang pagpaplano ng isang negosyo ay ang pagiisip at pagsasagawa ng mga dapat gawin at simulan. Kasama rin sa pagpaplano sa pagtayo ng negosyo ay ang pag forecast ng mga gastusin, mga kakailanganin, mga produkto, benta, kita at pagdaloy ng pera o cash flows. Maraming tao ang naghahangad na kumita ng malaki sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Sa pagtatayo nito maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang upang masiguro ang paglago nito.o. Ang pinakaunang hakbang sa pagnenegosyo ay ang pagbibigay sa sarili ng matibay na pund...