Skip to main content

Bakit May Bumabagsak Na Negosyo?


Bakit May Bumabagsak Na Negosyo?

Ang pagtatayo ng nenegosyo ang isang paraan para umunlad tayo sa buhay, halos lahat ng mga mayayaman sa mundo kung papansinin natin ay may kanya kanyang mga negosyo. Sobrang bihira ang yumaman dahil sa trabaho. Kung meron mang yumaman sa trabaho lang, siguradong buong buhay nya at oras ay binigay na nya dito. Yung tipong wala ng oras sa kanyang pamilya dahil puro trabaho na lang ang inatupag. Kung susumahin natin, yayaman at aasenso talaga tayo sa pag nenegosyo. Halos lahat naman tayo alam yan, pero hindi lang talaga lahat may lakas ng loob para mag tayo ng negosyo. Napakaraming tao ang may takot mamuhunan, dahil ang kanilang kinatatakutan ay baka malugi ang kanilang negosyo. At sa totoo lang..napakarami talaga ang nalulugi sa negosyo at nagsasara; pero dapat kapag nangyayari ito ang laging itanong sa sarili ay BAKIT nagsara at nalugi ang negosyo? Ating alamin kung bakit at anong mga pangunahing dahilan bakit nagsasara ang mga negosyo na dati naman ay makikita mong umuusbong..

 

MGA DAHILAN NG PAGBAGSAK NG NEGOSYO:

1) MALING PAG-GAMIT NG PONDO NG NEGOSYO: 
Marami kang mababalitaan na negosyong nababangkarote dahil sa napabayaan at mali yung kanilang pag gamit ng mga pondo na para lamang sa negosyo. Minsan kasi yung pera na dapat ay ipapaikot lamang sa negosyo para lumaki pa ay nagagamit sa pang personal na gastusin. Kinakailangan na isaisip na hindi mo dapat galawin ang pera ng negosyo mo. Dahil ito ang buhay at dugo ng iyong negopsyo, kapag nag simula ka nang magamit ang pondo ng negosyo mo, asahan mo na babagsak ito sa lalong madaling panahon ng hindi mo namamalayan. Kailangan na marunong ka mag Account at mag budget, imonitor mo ang mga papasok at palabas na pera sa negosyo mo. Wag mong hayaan na sa isang iglap ay mawala ang pinaghirapan mong ipundar dahiol lamang sa maling pag gamit ng pondo ng negosyo.
2) NAPAG LIPASAN NA NG PANAHON:

Isa pa sa mga madalas na dahilan ng pagsara ng isang negosyo ay ang paglipas ng panahon. Paano ba pinaglilipasan ng panahon ang isang negosyo? Kapag ang negosyo mo ay hindi nakasabay sa bilis ng pagbagoi ng panahon at teknolohiya, asahan mo na isang araw ay isasara mo na ito. Napakahigpit na ng kompitesyon sa negosyo sa panahon ngayon. Bawat nmegosyo na gustong tumagal ay kinakailangan ng mga tinatwag na UPGRADES. Kailangan na magkaroon ka ng mga makabagong systema na gagamitin mo sa iyong negosyo. Naaalala ko nuon kapag pictures ang pinag uusapan, ang lagi kong naririnig ay ang KODAK.
 Noon kasi isa ang KODAK sa pinaka sikat pag dating sa mga kamera at letrato at mga negatibo na ginagamit sa pagkuha ng mga larawan. Bawat bahay kodak ang alam, pero ng nagsimulang magbago ang teknolohiya at nagkaroon na ng mga digital camera, unti-unit nang humina ang negosyo nila at ngayon nga ay tuluyan nang nag nalugi at bumagsak kung hindi man nag sara. Kaya siguraduhin mong ang iyong negosyo ay makakasabay sa makabagong panahon. Panahon ng Teknolohiya at ng Internet.
3) HINDI PINAG-ARALAN NG MGA TAGA-PAGMANA
Isa ito sa pinaka nangungunang dahilan sa pagbagsak ng mga negosyo, lalong lalo na yung mga negosyo na ipinagpamana na ng mga magulang sa kanilang mga anak. Madalas na nangyayari ay hindi pinag aralan ng mabuti ng mga anak ang negosyo ng kanilang mga magulang. O hindi naman ang kanilang interes ay wala dito dahil may ibang bagay silang gustong gawin sa buhay. Kaya kung ang negosyo mo ngayon ay balak mong ipamana pa sa iyong mga anak, siguraduhin mo na matuturuan mo sila ng maigi at matutunan nilang mahalin ang negosyong itinayo mo para sa kanila. Habang sila ay bata pa ay turuan mo na sila sa pag nenegosyo at ibahagi ang iyong kaalaman para mas mabiugyan nila ng halaga ang iyong pinaghihirapan. Mag dagdag ka rin ng mga makabagong systema na sumasabay sa panahon nila dahil sa oras na sila naman na ang hahawak ng negosyo ay pamilyar na sila dito dahil nakasabay sa kanilang panahon ang negosyong pinamana mo.
4) MALI ANG PRODUKTO, LOKASYON AT LUGAR:

Sa pag nenegosyo, napaka importante na iyong pag aralan ang PRODUKTO, LUGAR at LOKASYON na paglalagyan ng iyo0ng tindahan o opisina. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng negosyong iyong itatayo. Tandaan natin na ang produkto ay ang magdadala ng tagumpay sa business mo. Mahalagang ito ay naaayon sa panahon, kapakipakinabang at hinahanap ng tao. Kapag ang produkto mo ay kasama sa mga produktong laos na o kaya naman ay kulang na ang gamit sa kabuhayan ng mga tao, tiyak na ito ay babagsak. Nay mga nag nenegosyo kasi na kung ano na lamang ang maisipang produkto, kahit na itoi ay hindi naman kapakipakinabang, kaya tuloy nagsasara bigla ang kanilang kumpanya. Kasabay ng produkto ay kailangan pinag aralan din ng maigi ang Lugar at lokasyon ng paglalagyan ng iyong negosyo. Importanteng marami ang makakakita ng iyong negtosyo at produkto. Mas maraming tao sa isang lugar, mas maganda kasi sila ang iyong magiging mga mamimili. Isang magfandang lokasyon ay ang mga malalapit sa eskwelahan, simbahan, parke or mga malalapit sa mall; kasi dito siguradong napakaraming tao araw araw at tiyak n magkakaroon ka ng kliyente bawat araw. Iwasan mo magtayo sa lugar na walang tao; isipin mo na lang kung meron kang restawran na nasa gitnma ng kagubatan? tingin mo tatagal ang negosyo mo? Kaya laging isipin at pag aralan ang PRODUKTO, LUGAR at LOKASYON ng iyong pinaplanong negosyo.
5) WALANG MAGANDA AT MAKABAGONG SYSTEMA:

INTERNET. yan ngayon ang pinaka mabilis na paraan upang lumago ang negosyo mo. Kahit nasa tradisyonal ka mang negosyo, pwedeng pwede mong ilagay sa internet para mas maraming tao ang makakakita at makaka access sa negosyo mo. Kung mapapansin mo, halos lahat ng tao ngayon ay marunong na at umaasa na sa internet. Mula sa pag book ng flight sa eroplano, mga pag reserve ng hotels at resorts pati ang pag bili ng mga damit, gamit at mga pagkain! Lahat ginagawa na sa internet. Sabi ng ni Bill Gates, ” if your business is not on the internet, then your business will be out of business” 

Kaya wag mo na hayaan pang mawala ang negosyo mo, kailangan mo mag UPGRADE ng system mo. Ilagay mo sa internet ang negosyo mo dahil ito na ang makabagong paraan ng pag-nenegosyo. Wag mo hayaang mawala ang pinag hirapan mo dahil hindi ka sumabay sa takbo ng panahon. Ilagay mo sa INTERNET ang negosyo mo.
Ang online business ay ang pinaka mainit at napapanahong negosyo ngayon. May mga SYSTEM na makakapg bigay sayo ng mas malaking kita na hindi ka pagod kagaya ng mga tradisyonal na pamamaraan ng pag nenegosyo. Kaya ako nag hanap ng isang SYSTEM na talagang inaral ko at nagbigay sakin ng magandang resulta sa pag nenegosyo ONLINE. Pwede mo ito mapanood at mapag aralan din, Para maiapply mo sa iyong negosyo. Masasabi kong ang online business system na ito ang kinabukasan ng ating mga negosyo. Simuylan mo itong gamitin at ikaw mismo makakapag sabi ng kagandahan ng system na ito.

  Credit to owner

Comments

Popular posts from this blog

SCHOOL SUPPLIES BUSINESS

            How to Start a School Supply Store Our guide on starting a school supply store covers all the essential information to help you decide if this business is a good match for you. Learn about the day-to-day activities of a school supply store owner, the typical target market, growth potential, startup costs, legal considerations, and more! Students across the world require a wide array of school supplies. From binders to book covers, pens, pencils, and rulers, school supply store businesses provide students with the supplies they need to be academic superstars.                    Who is this business right for? This business is ideal for an individual who has a passion for academics and youngsters. There is plenty of money to be made by selling school supplies. Yet this business also plays an important role in the community as it provides students with the ma...

Mga dapat tandaan sa pagnenegosyo

neGOsyo : Mga dapat isalang-alang sa pagtatayo ng negosyo Ang pagpaplano ng isang negosyo ay ang pagiisip at pagsasagawa ng mga dapat gawin, simulan at pagbutihin ang kakayanan na kumita sa hinaharap.Ayon sa mga istatistika, t anging 8 out of 100 mga tao at bumuo ng kanilang mga kasanayan sa pagnenegosyo. Bago mo simulan ang negosyo na gustuhin itayo kailangan munang magplano. Tandaan ang mahusay na pagpaplano ay makakatulong sa tagumpay ng isang negosyo . Ang pagpaplano ng isang negosyo ay ang pagiisip at pagsasagawa ng mga dapat gawin at simulan. Kasama rin sa pagpaplano sa pagtayo ng negosyo ay ang pag forecast ng mga gastusin, mga kakailanganin, mga produkto, benta, kita at pagdaloy ng pera o cash flows. Maraming tao ang naghahangad na kumita ng malaki sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Sa pagtatayo nito maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang upang masiguro ang paglago nito.o. Ang pinakaunang hakbang sa pagnenegosyo ay ang pagbibigay sa sarili ng matibay na pund...