neGOsyo : Mga dapat isalang-alang sa pagtatayo ng negosyo
Ang pagpaplano ng isang negosyo ay ang pagiisip at pagsasagawa ng mga dapat gawin, simulan at pagbutihin ang kakayanan na kumita sa hinaharap.Ayon sa mga istatistika, tanging 8 out of 100 mga tao at bumuo ng kanilang mga kasanayan sa pagnenegosyo. Bago mo simulan ang negosyo na gustuhin itayo kailangan munang magplano. Tandaan ang mahusay na pagpaplano ay makakatulong sa tagumpay ng isang negosyo.Ang pagpaplano ng isang negosyo ay ang pagiisip at pagsasagawa ng mga dapat gawin at simulan. Kasama rin sa pagpaplano sa pagtayo ng negosyo ay ang pag forecast ng mga gastusin, mga kakailanganin, mga produkto, benta, kita at pagdaloy ng pera o cash flows.
Maraming tao ang naghahangad na kumita ng malaki sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Sa pagtatayo nito maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang upang masiguro ang paglago nito.o. Ang pinakaunang hakbang sa pagnenegosyo ay ang pagbibigay sa sarili ng matibay na pundasyon sa pananalapi.Ayon sa libro ni Shaw at Kay na How to Start Your Own Business, ang pagtatayo ng sariling negosyo ay maganda lalo na kung mayroong sapat na pera para dito. Makabibili ang negosyante ng sariling lugar para sa negosyo. Kadalasan naman sa mga nagbabalak magtayo ng negosyo, mas pinipiling magprangkisa dahil sa kasiguraduhan na mayroon nang tiyak na tumatangkilik dito kumpara sa pagtatayo ng negosyo na kung saan ito ay hindi pa kilala.Ayon kay Scarborough at T. Zimmerer, sa loob ng limang taon ng pamamalakad ay 85% ng mga prangkisang negosyo ang nagtatagal sa industriya kumpara sa 50% ng mga “independent” o sariling negosyo. Ngunit hindi ito nangangahulugan na kapag mas piniling magprangkisa, ang negosyante ay magiging maunlad at matagumpay. Ang maayos na takbo ng isang negosyo ay nakasalalay pa rin sa magandang pamamahala ng nagmamay-ari nito.
Ang susunod naman ay kailangan sa pagpili ng itatayo mo na negosyo ang dapat na tayuin na negosyo ay nasa personalidad ng isang tao okaya naman ay alam mong mageenjoy ka dito. At laging tatandaan para magtagumpay ka sa negosyo kailangan napag-aralan at napaghandaan mo ito ng mabuti. Sa pagtayo ng negosyo kailangan ring malaman ang tungkol sa mga kakumpitensya sa negosyo, alamin din kung ano ang dapat na strategy na gagawin upang mas umangat. Kailangan ring ianalyze kung magiging patok ba ang negosyo na itatayo mo. Sa pagsulat ng busines plan nakapaloob dito mula sa produkto o serbisyo na ibebenta .Kinakailangan din marunong na maghandle ng tao at may sapat na management skills upang maimanage ng maayos ang negosyong itatayo at human skills sa paghahandle ng tao o mga taong magtatrabaho o magiging empleyado sa gagawin na negosyo. Sa pagtatayo mo ng negosyo kailangan ding isaalang-alang ang lokasyon ng pagtatayuan nito. Ang magandang lokasyon sa pagnenegosyo ay kung saan madali at malapit lang itong mapuntahan ng mga customer.
Palaging tatandaan na hindi lamang tungkol sa tagumpay at kumita ng pera ang hatid ng pagnenegosyo, kundi pati na rin sa kung anong mga aral sa buhay ang ituturo nito na dapat nating matutunan. Laging tatandaan na pagkatapos lahat ng hirap at tiyaga sa pagtatayo mo ng negosyo sa huli ay makakamit mo din ang kaginhawahan sa buhay lalo na kung naging matagumpay ang naitayong egosyo. Habang patuloy na nagtatrabaho upang makapagtatag ng isang matagumpay na negosyo, huwag kalimutan ang Panginoon na nagbibigay sa ng talino, lakas at puso upang magtagumpay.Magpasalamat sa Panginoon dahil hindi ka pinabayaan kasama narin ang negosyong naitayo.
Ang pagtatayo ng sariling negosyo ay isang malaking oportunidad sa buhay na dapat nating matutuhan. Lahat ng tao ay naghahangad na kumita ng malaki sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Hindi sapat na may kapital ka lang ay pwede ka nang magtayo ng negosyo. Sa pagtatayo nito maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang upang masiguro ang paglago nito.
Hindi lamang tungkol sa tagumpay at kumita ng pera ang hatid ng pagnenegosyo, kundi pati na rin sa kung anong mga aral sa buhay ang ituturo nito na dapat nating matutunan. Makasisiguro tayo na sa pagtatapos ng taong ito ay magiging matagumpay tayo sa ating negosyo.
Ngunit ito ay hindi lamang mahalaga sa pagkakaroon ng kamalayan sa sarili at negosyo, dapat mo ring malaman ang tungkol sa iyong mga kakumpitensiya. Dapat mong itanong sa sarili, kilala mo na ba kung sino ang iyong mga kakumpitensiya? Ano ang kanilang mga kahinaan? Saan sila kumukuha ng lakas? Tandaan na ang pananaliksik sa iyong mga kakumpitensya o katunggali ay isang patuloy na proseso na hindi dapat kaligtaan, sa aspetong ito maraming mga negosyante ang nabigo at nalugi sa negosyo dahil hindi nila alam kung sino ang kanilang kakumpitensya.
Ang pagtatalaga ng tamang oras ay isa ring sangkap na kailangan sa ikatatagumpay ng negosyo. Kailangan mong maging handa dahil sa ang iyong nakasanayan na dating 9- 5 oras na trabaho ay mapapalitan ng mas mahabang oras, siguro ito’y sa mga ilang buwan lamang na pagsisimula ng negosyo.
Kailangan ninyong maging handa na ilagay ang mga personal na buhay sa tamang lugar. Maraming mga pagbabago na magaganap sa iyong buhay na dapat mong unahin sa pagkakaroon ng isang negosyo. Dapat maging handa ka sa lahat ng pagkakataon. Kailangang magsakripisyo muna upang masigurado ang ikatatagumpay ng negosyo. Ito ay isa sa mga ilang downsides ng pagkakaroon ng sariling negosyo, ngunit alam mo na hindi matutumbasan ang kasiyahan kung makita mo nang naging matagumpay ang iyong negosyo.
Ang pera ang pinaka-importante sa pagsisimula ng isang negosyo. Siguradohing may sapat na pera upang ipang gastos sa mga bagay na kakailanganin sa negosyo- mula sa mga pagrehistro nito, bayad sa lugar na napili at mga gamit na kailangan.
Sa paghahanap ng karagdagang kapital, maaari kang magharap ng isang mahusay na balangkas ng iyong plano sa negosyo (business plan) sa inyong bank manager. Humingi ng tulong sa bangko kung kinakailangan. Mas mainam na masiguradong hindi ka magkakaroon ng malaking utang bago pa man maumpisahan ang iyong negosyo.
Ngunit kahit na ang paghahanap ng pondo ang pinakamahirap na gawin sa una, mas mabuti kung humingi ka ng tulong sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan o sa mga taong makakatulong sa pagpapalago ng iyong negosyo. Hindi mo kailangang solohin lahat ng trabaho kung sa tingin mo ay hindi mo kaya. Isiping mabuti ang iyong lakas at kahinaan at maghanap ng tao na kung saan sila ay dalubhasa sa ilang mga bagay sa pagpapatakbo ng negosyo.
Mas mainam din na magkaroon ka ng dalawang propesyonal na makakatulong sa iyo sa mga unang taon ng negosyo – isang accountant at isang taga-payo sa negosyo. Ang mga taong ito ang magsisiguro na tama ang pagpapatakbo ng iyong negosyo.
Ang mga ekspertong ito ang s’yang magsasabi kung ano ang hindi at dapat sa negosyo. Hindi masamang makipag-usap o humingi ng tulong sa mga taong alam mong eksperto sa larangan ng pagnenegosyo. Sila ang magtuturo sa iyo ng tamang mga hakbangin na dapat gawin sa ikatatagumpay ng negosyo. Maaari mong gamitin ang kanilang naging karanasan sa pagpapatakbo ng sariling mong negosyo. Importante parin ang pagkakaroon ng magandang relasyon at tiwala sa mga taong ito na alam mong may magandang maitutulong sa iyo.
Sanguunian :
https://prezi.com/gjyydkm1h5ii/mga-dapat-isaalang-alang-sa-pagtatayo-ng-negosyo/
http://cec.vcn.bc.ca/mpfc/modules/mic-pltt.htm
Comments
Post a Comment